SAMUT SARI
13 GOING 30 – Ang saya-saya! Jennifer Garner really looked like a 13 y.o. trapped in a 30 y.o body. Mark Raffalo was lovable. And it actually made me miss good old 80’s music and clothing. 80’s party anyone?
THE TERMINAL – Wow! The Steven Spielberg-Tom Hanks tandem just did it again. Ang galing. Simple stories are always the best to tell. It also had a lot of subtle sense of humor. I was laughing more and laughing harder here than Dodgeball. Bonus item for this movie: Diego Luna! Great cast along with Tom (uy, close). I have always adored Stanley Tucci. Then there was the Boston Public principal and that forever security guard. Lots and lots of familiar faces. A must-see movie for those who love feel good stories.
WALA PA AKONG MATINONG TULOG!!!
After parting ways with the gang at 12 MN, I couldn’t get to sleep. By 3 AM, I started hitting the keys of the typewriter. Since it would have been a Bistro night if I were in Manila, this is what came up. (Edited and revised version)
SA BAR
(9-30-04, 330AM)
Sa loob ng bar, iba-iba ang kulay ng ilaw na ginagamit. Dilaw, pula, asul, berde. Hibang ang sinumang magtangkang gumamit ng putting ilaw. Papaano, ang mga makukulay na ilaw na ito ay nagpapanggap lamang na ilaw. Wala itong intensiyon na magbigay liwanag. Ang tanging silbi nito ay ikubli ang dilim na nagbabalatkayong liwanaga.
Hindi pulutan o serbesa ang tunay na pinupuntahan ng mga customer sa mga lugar na ito. Kasangkapan lamang sila para lumuwang ang dila at makawala ang kaluluwa mula sa pait at sakit ng pagiging tao.
Sa bawat lagok ng San Miguel, para bang nilalabnaw nito ang hinagpis ng loob ng umiinom. Pait na isinabote. Pinapasarap ng lamig. Higit pang pinapasarap ng sakit. At ang pulutan. Nariyan para magbigay ng konting alat o konting anghang sa buhay na nawawalan na ng lasa dala ng paulit-ulit na indak na nakasanayan na. Nakasanayan at napagsawaan. Para bigyan lasa ang hangaring makatikim ng bago. Kahit ang laman ng isang kutsara ay mantika, asin, vetsin at kolesterol, walang pag-aalinlangan na isinusubo, nginguya at ninanamnam. Pampalasa, pagmpagana. Bagay sa pait ng beer.
May ilan na kahit hindi talaga nagyoyosi ay napapayosi sa bar. Sinasabayan ang nagbabalat-kayong dilim sa pagmamaskara ng damdamin ng dumadayo doon. Binabalot ang mukha, pinapapula ang mata, minsan napapaliha. Para may dahilan na maibigay kapag pumatak na. Dahil sa usok kamo. Ang makapal na usok na nagkukubli ng buong paligid, ng buong pagkatao. Makapal na usok na nagmimistulang langit. Pero maari ring mapagkamalang impyerno kapag nasinagan na samutsaring kulay ng kadiliman.
Nanduon sa gitna ng stage ang musikero na patuloy na tumutugtog ng kanyang gitara. Kahit hindi lahat nakikinig sa kanya, patuloy pa rin siya. Hindi na rin naman mahalaga kung sino ang nakikinig o hindi. Ang mahalaga sa kanya ay umawit. Awitin ang himig ng kanyang buhay na hindi nalalaman o napapansin ng mga ibang nagtatangkang makinig dahil sa mga ito, kuwento nila ang lumalabas sa kanyang bibig at hinuhuni ng kanyang gitara. Sa isip ng musikero, mali kayo. Mali kayo dahil kanta ko ito.
Sa bar, nagtatapos ang gabi sa umaga. Lasing, bundat, tumatawa. Salamat sa bar na hindi humuhusga sa nagbabalatkayo. Sa totoo lang, tumutulong pa itong magpatuloy ang pagtatago at pagkubli mula sa mundo, mula sa sarili.
Uuwi ang bawat isa. Ang waiter, ang manager, ang mag-aawit, ang mga customer. Pagdampi ng likod sa kama, may lungkot na madarama. Dahil maya-maya lang, nariyan na uli ang mapanghusgang liwanag ng araw.