Masaya ang weekend kahit hindi natuloy ang Panagbenga trip na matagal-tagal na ring plando. Bakit? Dahil na nga sa mga katangahan na nagawa ko nung mga nakalipas na araw na alam niyo na kung nagbabasa kayo nito.
Gusto ko lang sabihin dun sa mahilig sa musika na abangan ang bandang ito sa live circuit: JEEPNEY JOYRIDE. Napanuod ko sila nung Sabado (kasama si Tatit, Mayette at Jan) sa Loyola Mountaineers annual concert sa Bistro. At mga lola… sobra silang nakakatawa. Gawin mong reggae band ang Parokya. Ganung klase. May cool music ka na, may libreng stand-up comedy ka pa. Bantayan ng maigi ang alto sax player at ang kanyang Da Moves.
Pambungad ng bokalista sa kanilang set.
“Wow. Ang saya ninyo. Para kayong mga pans ni Jolina. Nakaka-platter.”
Mga tol, he had me at Jolina.
Gusto ko lang din ibahagi ang kuwento ng isa kong officemate tungkol sa anak niya.
Anak: Pa, pa, marunong na ako mag-add!
Dad: (buong galak dahil nursery pa lang ang anak niya) Talaga? Sige nga, pakita mo sa akin, nak.”
Anak: (seryoso) Pahingi ng calculator.